Edukasyon sa gitna ng pandemya

Ako po si Jemma Vy Velasco, ibabahagi ko po ang aking saloobin  patungkol sa edukasyon dulot ng pandemya.

       Ang Corona Virus ay isang malawakang pandemya kung saan nagdulot ito ng matinding paghihirap ng mga pilipino. Marami ang nakaranas ng pagkagutom, nawalan ng mga trabaho at higit sa lahat ng naapektuhan ay ang edukasyon.
"Bago pa man lumaganap ang Covid-19 sa Pilipinas, dati pa’y napasasailalim na sa matinding krisis ang sector ng edukasyon sa bansa. Tinatayang nasa apat na milyon na ang mga out-of-schoolyouth, at higit na tumataas ang bilang ng mga estudyanteng nagda-dropout, dulot ng tumitinding kahirapan dahil sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin, mababang sahod, kawalan ng trabaho at ‘di sapat na mapagkakakitaan. Batay pa sa isang datos, isa sa apat na mga kabataan na nasa edad 15 hanggang 24 ang hindi nag-aaral, walang trabaho o walang kahit anong educational treyning.At dahil sa Covid-19, mas lumala ang krisis na ito. Pamula sa kawalan ng access ng maraming mahihirap na batang Pilipino makasabay buhat ng kakulangan sa gadgets at iba pang onlinelearning materials.